Home NATIONWIDE 65K natanggap on the spot sa DOLE job fairs noong 2024

65K natanggap on the spot sa DOLE job fairs noong 2024

MANILA, Philippines- Natanggap on the spot ang kabuuang 65,000 job seekers sa iba’t ibang nationwide job fairs noong 2024, inihayag ng Department of labor and Enployment (DOLE) nitong Lunes.

Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma na 1,800 job fairs noong nakaraang taon ang nakahikayat sa mahigit 400,000 participants na naghahanap ng trabaho.

Itinampok ng mga job fair ang malawak na hanay ng mga pagkakataon, kasama ang retail, serbisyo, at manufacturing sectors na nangunguna sa mga agarang pag-hire.

Binigyang-diin din ni Laguesma ang pagtutok ng pamahalaan sa mga umuusbong na sektor, tulad ng digital economy, healthcare, at green economy, upang makabuo ng mas maraming oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipino.

Pagtitiyak ng ahensya sa publiko na ang Tulong Pangkabuhayan sa Ating Disadvantaged Displaced Workers (TUPAD) program ay susunod sa mas mahigpit na eligibility guidelines partikular sa darating na halalan.

Pinagbigyan ng Commission on Elections (Comelec) ang siyam na DOLE social services programs kabilang ang TUPAD, mula sa election spending ban, upang masiguro na patuloy ang suporta sa dispalced workers. Jocelyn Tabancgura-Domenden