Larawan mula sa Facebook page ng Coast Guard District Southern Tagalog
NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nagsagawa ng force evacuation ang Philippine Coast Guard (PCG) sa Purok 1, Sitio Calaogaw, Barangay Caliling, Cauayan, Negros Occidental dahil sa bagyong Crising.
Ito ay bunsod ng mataas na tubig baha dala ng pananalasa ng bagyo.
Ang hakbang ay ipagpapatuloy sa panahon na umiiral ang bagyo upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng pamilyang apektado ng mabigat na panahon.
Bandang alas-8 ng gabi nitong Biyernes, isinagawa ng PCG ang force evacuation o sapilitang paglikas sa mga residente sa koordinasyon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Kabuuang siyam na pamilya ang matagumpay na nailikas.
Naka-standby naman ang Deployable Response Groups (DRGs) ng PCG upang agad na makatugon at masiguro ang patuloy na proteksyon ng apektadong indibidwal. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)