Home HOME BANNER STORY 6,833 stranded sa hagupit ni TD Aghon – PCG

6,833 stranded sa hagupit ni TD Aghon – PCG

MANILA, Philippines- Stranded dahil sa Tropical Depression Aghon nitong Sabado ang mahigit 6,833 pasahero, tsuper ng trak, at cargo helper sa Bicol, Eastern Visayas, Central Visayas, Southern Tagalog, at Northeastern Mindanao Region, ayon sa ulat ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ssinabi ng PCG na nakapag-ulat din ang kanilang command center ng 1,492 rolling cargo, 48 vessels, at 30 motor-bancas na stranded sa nasabing rehiyon .

Bukod dito, 92 vessels at 20 motorbancas ang nagkukubli dahil sa bagyo.

Inatasan ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan ang lahat ng concerned PCG district commanders na tiyakin ang zero maritime casualties sa gitna ng tropical depression.

Samantala, sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo na ang Coast Guard deployable response groups (DRGs) at rescue assets sa Visayas at Mindanao ay “all set” para tumulong sa mga lokal na pamahalaan sa mga evacuation at rescue operations.

“CG Admiral Gavan also instructed PCG units to coordinate with other rescue agencies and to observe the fastest response time in responding to maritime incidents,” sabi ni Balilo.

Hinimok ng PCG ang mga pasahero na manatiling mapagmatyag at ang mga lokal na mangingisda ay huwag munang maglayag panahong ito.

Hinikayat din ang mga marino na obserbahan ang kaligtasan sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden