MANILA, Philippines- Naghanda ang Pilipinas ng mga hakbang upang mapauwi ang overseas Filipino worker (OFWs) na nasa Taiwan sakaling lumaki pa ang tensyon laban sa China, sinabi ng Department of Migrant Workers (DMW) noong Sabado.
Inihayag ni DMW Secretary Hans Leo Cacdac sa isang forum na lagi silang handa at nakikipag-ugnayan sa tamang ahensya ng gobyerno.
Ayon pa kay Cacdac, hindi na siya magsasabi ng karagdagang detalye kung paano iuuwi ang mahigit 150,000 overseas Filipino workers (OFWs) dahil sa pagiging sensitibo ng usapin.
Ngunit pagtitiyak niya, kasama sa plano kung paano sila dadalhin.
“I’m not at liberty to disclose details but rest assured we are ready, we stand ready, we have a contingency plan specifically in that part of the world,” sabi ni Cacdac.
Sinabi pa ni Cacdac na tinukoy ng gobyerno ng Pilipinas ang “convergence points” kung saan ang mga Pilipino sa Taiwan ay mase-secure para sa kanilang pagpapauwi.
Idinagdag niya na ang gobyerno ng Taiwan ay naglatag din ng mga hakbang sa kaligtasan at pasilidad sakaling lumaki ang sigalot.
Inihayag ito ni Cacdac sa gitna ng pagsasagawa ng China ng military drills sa Taiwan Strait para subukin ang kanilang kakayahan.
Kinondena ng Taiwan ang mga aksyon ng China. Nilinaw ni Cacdac na ayaw niyang maging alarmist, ngunit muling iginiit na may safety at repatriation measures para sa mga Filipino sa Taiwan.
Sinabi niya na ang pagpapauwi sa wakas ay nakasalalay pa rin “sa likas na katangian ng armadong labanan.”
“But definitely there is a plan,” sabi ng DMW chief. Jocelyn Tabangcura-Domenden