Home ENTERTAINMENT Yen, tinablan sa payo ni Heart!

Yen, tinablan sa payo ni Heart!

Manila, Philippines – Nagbahagi ng well-meaning advice si Heart Evangelista kay Yen Santos.

Ani Heart sa kanyang social media post: “Stop giving your heart away like it’s candy!”

Public knowledge na ang karelasyon ni Yen ay si Paolo Contis.

Their romance blossomed while filming A Far Away Land.

Dugtong ni Heart: “Treasure yourself. Love yourself. Treasure your mind and soul because it will save you in the end.”

Marami naman ang sumang-ayon sa payo ni Heart kay Yen.

Isa roon ay isang netizen na nakapansing lumamlam ang career ni Yen buhat nang makarelasyon si Paolo.

Worse critics would also advise Yen to stay away from Paolo matapos ang ginawa nito sa kanyang mga naunang relasyon.

Bago dumating si Yen sa buhay ni Paolo ay karelasyon muna ng aktor si Lian Paz with whom meron silang dalawang anak na babae.

Sumunod si LJ Reyes na happily married na sa iba with whom Paolo sires Summer.

Naka-base si Cebu si Lian with her partner at sa New York naman si LJ.

Feeling ng mga netizens, tinablan si Yen sa payo ni Heart.

Bumulusok daw kasi ang papaganda na sanang career ni Yen na nakasungkit pa ng Best Actress award sa Urian, na nauwi rin daw sa wala. Ronnie Carrasco III