Home NATIONWIDE Panibagong C-130 plane kinomisyon ng Pinas mula sa US

Panibagong C-130 plane kinomisyon ng Pinas mula sa US

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng Philippine Air Force (PAF) nitong Biyernes na kinomisyon nito sa serbisyo ang panibagong Lockheed C-130H “Hercules” transport aircraft.

Kinomisyon ang aircraft na may tail number 5157 sa seremonya sa Brig. Gen. Benito N. Ebuen Air Base, Lapu-Lapu City, Cebu nitong Huwebes, ayon kay PAF spokesperson Col. Ma. Consuelo Castillo.

Ani Castillo, isa ang aircraft sa dalawang C-130H transport na binili mula sa United States sa ilalim ng Excess Defense Article (EDA) Program noong 2016.

“This aircraft arrived last February 16, 2024,” dagdag ng opisyal.

Samantala, dumating sa bansa ang unang C-130H aircraft noong Jan. 29, 2021.

“With the delivery of this transport aircraft, the PAF now has five C-130 aircraft in its inventory that can be used for humanitarian, tactical, and strategic missions,” wika ni Castillo.

Dagdag niya, mahalaga ang ganitong uri ng heavy airlifters sa paghahatid ng relief goods at essential supplies, mga tauhan at kagamitan, at pagsuporta sa mga komunidad sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas at maging sa ibang bansa. RNT/SA