Home METRO 7 bahay inararo ng trak; 6 patay, 2 sugatan

7 bahay inararo ng trak; 6 patay, 2 sugatan

TACLOBAN CITY- Patay ang anim na indibidwal matapos araruhin ng isang self-loader truck ang pitong kabahayan sa Maharlika Highway sa Barangay Caglanipao Sur, Tinambacan District, Calbayog City, nitong Martes.

Kabilang sa mga nasawi ang isang walong taong gulang na babaeng idineklarang patay sa ospital.

Sugatan naman ang isang residente, driver ng truck na kinilalang si Charles, 40, ng Caloocan City; at kanyang pasaherong si Gina, 44, ng Dalaguete, Cebu.

Sinabi ng mga pulis na nawalan umano ng preno ang truck at bumaling sa gilid ng kalsada na nagresulta sa pagkakabangga sa mga tahanan.

Dinala ang mga biktima, driver, at kanyang pasahero na nagtamo ng sugat sa Calbayog District Hospital at Saint Camillus Hospital sa Calbayog City.

Naaresto ang driver sa ospital at nahaharap sa kaukulang kaso.

Patungo ang nasabing sasakyan sa Allen, Northern Samar, mula Naval, Biliran nang maganap ang aksidente. RNT/SA