MANILA, Philippines- Iprinisenta ng National Bureau of Investigation-Cybercrime Division (NBI-CCD), sa ilalim ng direktiba ni NBI Director Jaime B. Santiago, ang pitong nasakoteng Chinese nationals sa Paranaque at Quezon City, para sa credit card fraud at panunuhol sa mga operatiba upang palayain sila.
Larawan kuha ni Danny Querubin
Sinabi ni Director Santiago na maraming indibidwal ang naghain ng reklamo sa NBI-CCD kaugnay ng iba’t ibang modus operandi na isinagawa sa kanila tulad ng vishing, smishing, phishing, click-baiting, pretexting, whaling, na nagresulta sa hindi awtorisadong access at paggamit ng kanilang credit card credentials nang lingid sa kanilang kaalaman. Danny Querubin