Home NATIONWIDE 7 indibidwal nasagip sa lumubog na motorbanca sa Davao

7 indibidwal nasagip sa lumubog na motorbanca sa Davao

MANILA, Philippines – Nasagip ang pitong indibidwal mula sa lumubog na motorbanca.

Dahil na rin ito sa maagap na pagtugon ng Coast Guard Sub-station Km 11 na nagsagawa ng agarang rescue operation.

Ayon sa PCG, naglalayag ang mga biktima mula Davao patungong Island Garden sa Samal, nang makaranas ng malalaking alon at malakas na hangin na sanhi ng paglubog ng bangka.

Pinuri naman ng Coast Guard District Southeastern Mindanao (CGDSEM) ang mga tauhan ng CGSS Km 11 para sa kanilang huwarang pagsisikap sa pagliligtas sa mga biktima at pagtaguyod ng pangako sa kaligtasan sa dagat. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleP450B hike sa 2024 unprogrammed funds, ‘di tinalakay sa bicam – Bato
Next articleSa tabi ng Virgin’s Well ng Manaoag DEBOTO SINILABAN ANG SARILI