Home NATIONWIDE Sa tabi ng Virgin’s Well ng Manaoag DEBOTO SINILABAN ANG SARILI

Sa tabi ng Virgin’s Well ng Manaoag DEBOTO SINILABAN ANG SARILI

MANAOAG, Pangasinan – Isang 55-anyos na lalaking deboto ang sinilaban ang sarili sa sikat na pilgrimage site dito nitong Huwebes, Enero 4.

Kinilala ang biktima na si Luisito Pineda Buenaventura, isang mekaniko ng Barangay Botao, Santa Barbara, Pangasinan.

Sinabi ng pulisya na nakatanggap sila ng tawag mula sa isang Shaquille Muñoz, kagawad ng Barangay Pugaro na ang mga labi ng isang nasunog na tao ay natagpuan sa Virgin’s Well.

Ang mirakulosong Virgin’s Well ay sagradong destinasyon ng mga manlalakbay na mananampalataya at mga deboto.

Ayon sa imbestigasyon, napansin ng isang caretaker na si Leonardo Dioso Mosada, 25, ang isang motorsiklo sa parking area.

Hinanap ni Mosada ang may-ari nito hanggang sa
natuklasan ang sunog na katawan ng biktima sa isang madamong bahagi ng Virgin’s Well.

Tumawag siya sa pulisya at pagsisiyasat, natukoy ang pagkakakilanlan ng biktima sa pamamagitan ng kanyang mobile phone na kanilang narekober.

Nag-video pa umano muna ang biktima bago ang aktuwal na ginawang pagsunog sa sarili, dakong 11:42 a.m.

Sinabi ng pulisya na naligo ng gasolina ang biktima bago niya ito sinidihan at nag-apoy hanggang sa mamatay.

Isang post-mortem examination ang isinagawa ng Municipal Health Officer, Dr. Ela Camille Romero Baltazar.

Ayon sa pulisya, kilala umanong deboto ng Our Lady of Manaog si Buenaventura. Inaalam pa ang motibo kung bakit niya sinunog ang sarili. RNT/NT

Previous article7 indibidwal nasagip sa lumubog na motorbanca sa Davao
Next articleHouse probe sa Panay power outage itinakda sa Enero 11