Home NATIONWIDE 7 kabataan sugatan sa pamamaril sa Indianapolis

7 kabataan sugatan sa pamamaril sa Indianapolis

UNITED STATES – Pitong kabataan edad 12 hanggang 17 ang sugatan sa nangyaring pamamaril nitong Sabado ng gabi, Marso 30 sa downtown Indianapolis.

Ayon kay Deputy chief of operations for the Indianapolis Metropolitan Police, Tanya Terry, ang mga biktima ay nadala na sa pinakamalapit na ospital at nasa stable na kondisyon.

Sinabi ni Terry na bandang 11:36 ng gabi, nakarinig ang mga pulis ng sunod-sunod na putok ng baril at nakita ang “a large group of juveniles” na dumarating sa lugar malapit sa
Circle Centre Mall.

Kinumpirma ng opisyal na mahigit sa isang armas ang sangkot sa insidente at wala pang nahuhuling suspek.

Iniimbestigahan pa ang pamamaril. RNT/JGC

Previous articlePBBM sa liderato ng PNP: Lahat ng hamon at banta sa bansa, tutukan
Next articlePagbuo ng maritime council, ‘redundant and insignificant’ – Pamalakaya