Home NATIONWIDE PBBM sa liderato ng PNP: Lahat ng hamon at banta sa bansa,...

PBBM sa liderato ng PNP: Lahat ng hamon at banta sa bansa, tutukan

MANILA, Philippines – HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Philippine National Police (PNP) na manatiling bigilante sa gitna ng lahat ng mga hamon at oportunidad habang ang bansa ay sumusulong para sa isang mapayapa at ligtas na “Bagong Pilipinas.”

“Let us remain vigilant in the face of challenges and opportunities, as we strive to build a Bagong Pilipinas where everyone can thrive and live in peace,” ayon kay Pangulong Marcos sa kanyang naging talumpati sa isinagawang change of command ceremony at retirement honors para kay Police General Benjamin Acorda Jr.

Nagtapos ang termino ni Acorda bilang PNP Chief, araw ng Linggo, Marso 31, dahilan upang kagyat na itaaga ni Pangulong Marcos si Police Lt. General Emmanuel Baloloy Peralta bilang officer-in-charge ng national police force.

Si Police Major General Rommel Francisco Marbil, 55, ay pormal na itinalaga bilang kapalit ni Acorda.

Sa naging talumpati pa rin ng Punong Ehekutibo, kinilala at binati nito ang pagsisikap, pagiging makabayan at hindi matatawarang dedikasyon ni Acorda para tiyakin ang kaligtasan at seguridad ng mga mamamayang filipino sa pamamagitan ng kanyang “Five-Focused Agenda.”

Winika pa ni Pangulong Marcos na ang “Five-Focused Agenda” ni Acorda ay gabay ng PNP tungo sa mas tapat na law enforcement operations, pinalakas na information technology capabilities, at mas malakas na community relations.

“The PNP’s efforts in combatting various forms of crime have yielded tangible results, which exhibit the diligence of our officers and personnel, as well as the effectiveness of our programs,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

Tinukoy naman ni Pangulong Marcos ang isinagawang OCTA Research survey na isinagawa noong nakaraang taon, kinilala ang PNP bilang “3rd Highest Performing and Most Trusted” sa hanay ng 25 ahensiya ng pamahalaan sa second quarter ng 2023 na may 76% trust rating.

Para sa chief executive, ang survey ay indikasyon lamang ng “public’s increasing trust and confidence in the police force.”

“With all these, I believe, the best send-off gift that we can give General Acorda is neither the usual memorabilia nor the typical testimonials. The best parting token that we can offer him is the pledge to exceed what he has done during his watch and to continue the good work that he has begun,” ang pahayag ni Pangulong Marcos.

“I am sure nothing will make General Benjie Acorda happier than seeing the organization he loves so much able to outdo all the previous achievements of the PNP. So, for all these and more, I congratulate and salute General Acorda for a job well done,” dagdag na wika nito.

Sa kabilang dako, sa nasabi pa ring event, winelcome at binati ni Pangulong Marcos si Marbil, tiniyak ng Pangulo kay Marbil na asahan ang kanyang “full support” para mapagtagumpayan ang police force na isang pro-God, pro-country, pro-people, at pro-environment.

“Let us work closely with you in addressing emerging threats, such as cybercrime, terrorism, and transnational crimes. We shall continue to uphold the highest standards of professionalism and give the finest service to our beloved citizens,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Let us now ensure that the PNP will be agents of progressive transformation in the lives of our people by ensuring the safety and well-being of every community in the land,” ang sinabi pa ni Pangulong Marcos.

Samantala, bago pa nagtapos ang kanyang talumpati, binati ni Pangulong Marcos ang mahigit sa 230,000 kalalakihan at kababaihan ng PNP at kanilang mga pamilya para sa matatag na dedikasyon sa public service at sa pagiging instrumental sa tagumpay ng police force at sa development bilang isang bansa.

Sa pagkakaroon ng bagong PNP Chief, ipinag-utos ni Pangulong Marcos sa lahat na harapin ang mga darating na araw na may kaakibat na “greater fervor, determination, at optimism” para makamit ang layunin at hinahangad para sa “Bagong Pilipinas.” Kris Jose

Previous article#WalangTubig sa Imus, Cavite at Caloocan City mula Abril 1 ‘gang Abril 4
Next article7 kabataan sugatan sa pamamaril sa Indianapolis