Home NATIONWIDE #WalangTubig sa Imus, Cavite at Caloocan City mula Abril 1 ‘gang Abril...

#WalangTubig sa Imus, Cavite at Caloocan City mula Abril 1 ‘gang Abril 4

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Maynilad Water Services Inc. na mawawalan ng tubig sa ilang lugar sa Caloocan City at Imus, Cavite.

Sa hiwalay na anunsyo, sinabi ng Maynilad na nawalan ng tubig sa ilang barangay sa Imus, Cavite mula alas-5 ng umaga hanggang alas-11 ng gabi nitong Lunes, Abril 1 sa mga sumusunod na lugar:

– Anabu I-D
– Anabu I-F
– Anabu II-A hanggang Anabu II-D

Habang mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 naman ng gabi mawawalan ng tubig sa mga sumusunod na lugar:

Brgy. Alapan I-C
Brgy. Anabu I-A to I-F
Brgy. Bayan Luma I to IX
Brgy. Bucandala I to V
Brgy. Carsadang Bago I to II
Brgy. Malagasang I-A to I-D
Brgy. Malagasang I-G
Brgy. Medicion I-B
Brgy. Poblacion III-B
Brgy. Poblacion IV-B
Brgy. Poblacion IV-D
Brgy. Tanzang Luma VI

Samantala, dahil sa scheduled maintenance activity, magkakaroon ng limang oras na service interruptions simula sa Miyerkules, Abril 3 sa mga piling customer sa Caloocan City dahil sa gagawing aktibidad sa P. Dela Cruz sa Barangay 166 mula alas-11 ng gabi ng Abril 3 hanggang alas-4 ng madaling araw ng Abril 4.

“This activity is being done as part of the company’s continuous effort to improve water services in the West Zone,” saad sa abiso.

“Affected customers are encouraged to store enough water for the duration of the water service interruption. Maynilad has water tankers standby, ready to deliver water to affected areas as needed,” dagdag pa. RNT/JGC

Previous articlePresyo ng LPG bumaba
Next articlePBBM sa liderato ng PNP: Lahat ng hamon at banta sa bansa, tutukan