Home NATIONWIDE Presyo ng LPG bumaba

Presyo ng LPG bumaba

MANILA, Philippines – Bumaba ang presyo ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong buwan ng Abril.

Sa abiso, sinabi ng Petron Corp. na magkakaroon ng bawas sa presyo ng LPG ng P1.00 kada kilo epektibo alas-12 ng tanghali ngayong Lunes, Abril 1, 2024.

“This reflects the international contract price of LPG for the month of April,” saad sa abiso.

Wala pang anunsyo ang ibang kompanya sa price adjustments ng LPG.

Sa pinakahuling datos mula sa Department of Energy (DOE), ang presyo ng 11-kilogram LPG cylinders sa Metro Manila ay mula P830.00 hanggang P1,068 para sa buwan ng Marso. RNT/JGC

Previous articleHello. Love. Goodbye 2, tuloy na!
Next article#WalangTubig sa Imus, Cavite at Caloocan City mula Abril 1 ‘gang Abril 4