Home ENTERTAINMENT Hello. Love. Goodbye 2, tuloy na!

Hello. Love. Goodbye 2, tuloy na!

Manila, Philippines – Good news para sa mga expectant fans nina Kathryn Bernardo at Alden Richards: there’s no more stopping the filming of the second part of their Hello. Love. Goodbye!

For the record, ang HLG ang second highest-grossing Filipino movie of all time.

Nasilat lang ito ng Rewind ng mag-asawang Dingdong Dantes at Marian Rivera (now on Netflix) which reportedly hit the P1 billion mark.

Telling sign nga ang mga naispatang well-wishers ni Kathryn who were present on her 28th birthday.

Kathryn opted to celebrate it on a yacht (na pag-aari niya) on Isla Amara in El Nido, Palawan.

Ito ‘yung negosyong kasosyo si Piolo Pascual na hindi nakasama ng araw na ‘yon.

Pero present ang kanilang business partners.

Mga kapwa celebrities din ang nakisaya sa selebrasyon, even Jericho Rosales made it.

Give-away na ‘yon na may nakatakda silang film project na gagawin.

Mas pinag-usapan nga lang ang sequel ng HLG if only for the presence of Alden Richards.

Kasama rin kasing nakisaya ang ibang cast members ng HLG na sina Kakai Bautista, Lovely Abella at Maymay Entrata.

For the record, lalo pang umingay ang clamor ng mga fans that a sequel be filmed shortly after the Kathryn-Daniel Padilla breakup.

Mas mape-pressure nga lang ang balik-screen tandem nina Kath at Alden in surpassing the box office turnout of the first HLG. Ronnie Carrasco III

Previous articleDagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan bukas!
Next articlePresyo ng LPG bumaba