Home HOME BANNER STORY Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan bukas!

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, asahan bukas!

MANILA, Philippines – Tataas sa ikatlong sunod na linggo ang presyo sa kada litro ng gasolina bukas, Abril 2.

Sa kabila nito, magkakaroon naman ng roll back sa presyo ng diesel at kerosene.

Sa magkahiwalay na abiso, sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at Seaoil Philippines Corp. na tataas ang presyo sa kada litro ng gasolina nila ng P0.45, habang bababa naman ang presyo ng diesel sa P0.60 kada litro at kerosene sa P1.05 kada litro.

Magpapatupad din ng kaparehong pagbabago sa presyo ang Cleanfuel at Petro Gazz.

Iiral ang price adjustments alas-6 ng umaga bukas, Abril 2 sa lahat ng oil firms maliban sa Cleanfuel na magpapatupad ng pagbabago 12:01 ng madaling araw ng kaparehong araw. RNT/JGC

Previous articlePCG, PPA patuloy na nakaalerto sa pag-uwi ng mga pasahero
Next articleHello. Love. Goodbye 2, tuloy na!