Home NATIONWIDE PCG, PPA patuloy na nakaalerto sa pag-uwi ng mga pasahero

PCG, PPA patuloy na nakaalerto sa pag-uwi ng mga pasahero

MANILA, Philippines- Nanatiling nakaalerto ang Philippine Coast Guard habang nakahanda ang mga port operator, para sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero kasunod ng mahabang weekend sa paggunita ng Semana Santa.

Ayon sa PCG, patuloy nitong susubaybayan ang sitwasyon hanggang sa katapusan ng linggo, dahil inaasahang babalik sa kanilang mga lugar ang mga biyahero na nagpalipas ng Holy Week sa mga probinsya, na muling pagpasok ng trabaho at klase.

“Even after [Holy Week], heightened alert pa rin ‘yan, hangga’t walang [until there is no] command ang [from the] higher HQ,” sabi ni Southern Tagalog Coast Guard commander Commodore Gerardo Tuvilla sa isang panayam.

Kabilang sa mga pinakaabalang daungan sa panahon ng Semana Santa ay ang Calapan Port.

Sa datos ng Philippine Ports Authority (PPA), mayroong 96,000 pasahero mula Marso 24 hanggang Marso 28, kung saan tiniyak ng mga operator ng bus na makakayanan nila ang humigit-kumulang 5,000 pasahero na inaasahang babalik sa Metro Manila. Jocelyn Tabangcura-Domenden