Home METRO #WalangTubig sa Caloocan mula Abril 3

#WalangTubig sa Caloocan mula Abril 3

MANILA, Philippines- Mawawalan ng tubig hanggang limang oras ang mga customer ng Maynilad Water Services Inc. sa Caloocan City simula sa Miyerkules, April 3, sa nakatakdang maintenance activity ng concessionaire sa lugar.

Sa abiso, sinabi ng Maynilad na magsasagawa ito ng interconnection activity kabilang ang pagkakabit ng tee fitting na kailangan para sa bagong primary o secondary lines sa kahabaan ng P. Dela Cruz sa Barangay 166 mula alas-11 ng gabi sa April 3 hanggang alas-4 ng madaling araw sa April 4.

“This activity is being done as part of the company’s continuous effort to improve water services in the West Zone,” saad sa abiso.

“Affected customers are encouraged to store enough water for the duration of the water service interruption. Maynilad has water tankers standby, ready to deliver water to affected areas as needed,” dagdag nito.

Pinayuhan din ng Maynilad ang mga customer na hayaang dumaloy ang tubig nang ilang segundo hanggang luminaw kapag bumalik na ang water service.

Kasalukuyang sineserbisyuhan ng Maynilad ang mga customer sa west zone, saklaw ang mga lungsod ng Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon Manila, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Quezon, Valenzuela. Nagseserbisyo rin ito sa ilang lugar sa Cavite tulad ng lungsod ng Bacoor, Cavite, at Imus; at mga bayan ng Kawit, Noveleta, at Rosario. RNT/SA

Previous articleMataas lebel ng coliform natuklasan sa Baseco Beach
Next articlePCG, PPA patuloy na nakaalerto sa pag-uwi ng mga pasahero