MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa mga residente laban sa paglalangoy sa Baseco Beach sa Port Area, Manila dahil sa mataas na lebel ng coliform sa katubigan.
Dahil dito, mahigpit na binabantayan ng mga awtoridad ang lugar upang mapigilan ang mga residenteng maglangoy partikular sa gitna ng mainit na panahon, ayon sa ulat nitong Lunes.
Ayon sa ilang residente, pinipigilan sila ng mga awtoridad na lumangoy sa katubigan.
Umapela ang mga awtoridad sa mga residente na tumalima sa mga direktiba upang matiyak ang kanilang kalusugan. RNT/SA