Home METRO Mall sa NegOcc ninakawan!

Mall sa NegOcc ninakawan!

BACOLOD CITY- Ninakawan ang isang mall sa San Carlos City, Negros Occidental, ayon sa mga pulis nitong Linggo.

Dahil dito, pansamantalang itinigil ang operasyon ng mall operations noong Sabado.

Ani Police Lt. Col. Nazer Canja, San Carlos police chief, nagdesisyon ang pamunuang isara muna ang mall sa araw na iyon habang gumugulong ang imbestigasyon sa insidente.

Pahayag ni Canja, batay sa kanilang imbestigasyon, pumasok ang hindi natukoy na indibidwal sa mall sa pamamagitan ng aircon duct.

Sarado umano ang mall noong Biyernes Santo at muli sanang bubuksan pagsapit ng Sabado nang mamataan ng ilang empleyado ang suspek sa kisame bandang alas-8:30 ng umaga.

Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang mga empleyado sa mga pulis.

Batay sa mga awtoridad, natangay ng suspek ang P43,000 cash at piaya (native delicacy) na nagkakahalaga ng P2,000; 19 cellular phone na tinatayang nagkakahalaga ng P201,000; walong perfume na nagkakahalaga ng P3,600; dalawang backpack na nagkakahalaga ng P1,000; at apat na laptop na aabot ang presyo sa P200,000.

Umabot ang kabuuang halaga ng nanakaw na items sa P450,711.

Ani Canja, mayroong nagbabantay na security guards, subalit ayon sa kanila, wala silang napansing kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa mall.

Ayon pa sa opisyal, narekober ang walong laptop sa kisame at patuloy pa umano ang imbestigasyon.

Muli namang umarangkada ang mall operations pagsapit ng Linggo. RNT/SA

Previous articleP21M puslit na yosi nasabat sa Sarangani  
Next articleMataas lebel ng coliform natuklasan sa Baseco Beach