GENERAL SANTOS CITY- Nasamsam ang mga puslit na sigarilyong nagkakahalaga ng P21 milyon at 16 hinihinalang smugglers ang naaresto sa Glan, Sarangani nitong Sabado.
Sinabi ni Police Brig. Gen. Percival Placer, Police Regional Office-12 chief, na nadiskubre ang mga awtoridad ang puslit na sigarilyong ibinababa mula sa fishing boat mula sa Banguingui, Sulu sa Barangay Batulaki.
Ani Placer, 1,000 master cases ng R and B cigarettes na may estimated value na P21 milyon ang dadalhin sana sa Digos City, Davao del Sur.
Naharang ito matapos makipag-ugnayan ng Philippine Navy sa mga pulis kasunod ng intelligence information na ibababa ng mga suspek sakay ng FB Blady Weeya mula Sulu ang mga puslit na sigrailyo sa Glan bago dalhin sa Digos City.
Dinala na ang smuggled items sa Bureau of Customs habang nakapiit naman ang mga suspek sa Police Station 2 sa lungsod na ito.
Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso. RNT/SA