Home ENTERTAINMENT Celebs, binati sina Zanjoe at Ria!

Celebs, binati sina Zanjoe at Ria!

Manila, Philippines – Ikinasal na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo sa isang civil wedding sa Quezon City.

Pinangasiwaan ni Mayor Joy Belmonte ang kasal sa harap ng mga pamilya at malalapit na kaibigan ng celebrity couple.

Si Zanjoe ang nag-post sa kanyang Instagram account  ng mga larawan  ng kasal nila ni Ria, kung saan niya rin binati ito  sa kanyang kaarawan at tinawag niyang “my wife”.

Inulan naman ng pagbati ang bagong kasal sa comment section mula sa kanilang followers at kapwa celebrity gaya nina Kaye Abad, Kyline Alcantara, Vina Morales, Jake Ejercito, Angelica Panganiban at iba pa.

“Happy birthday to YOUR WIFE! and congrats you two,” pagbati ni Jake.

“Uy wife!! Congrats mr & mrs Marudo,” ang pagbati naman ni Angelica.

Matatandaan na si Zanjoe ang unang nag-confirm ng relasyon nila ni Ria noong January 2023. At si Ria naman ang nag-reveal sa pamamagitan ng IG account niya, na engaged na sila ni Zanjoe noong February 20. Rommel Placente

Previous articleDangerous heat index nakaamba sa 4 lugar – PAGASA
Next articleP21M puslit na yosi nasabat sa Sarangani