MANILA, Philippines- Inaasahang makararanas ang apat na lugar ng “danger” level ng heat index ngayong Lunes, ayon sa state weather bureau PAGASA.
Sa pinakabagong forecast, sinabi ng PAGASA na nagbabadyang maramdaman sa mga sumusunod na lugar ang pinakamataas na heat index sa bansa:
Aparri, Cagayan: 43 degrees Celsius
CBSUA sa Pili, Camarines Sur: 42°C
Catarman, Northern Samar: 43°C
Zamboanga City, Zamboanga del Sur: 42°C
Batay sa PAGASA, posibleng makaranas ng heat cramps at heat exhaustion sa mga lugar na sapul ng danger level heat index, mula 42 hanggang 51°C. Nakaamba rin ang heat stroke kung patuloy ang exposure sa labis na init.
Dahil dito, pinayuhan ng PAGASA ang publiko na bantayan ang mga sintomas ng heat-related illnesses:
labis na pagpapawis;
pagkapagod;
pagkahilo;
kawalan ng malay;
panghihina; at
pagsusuka.






