Home METRO 7 katao nasentensiyahan ng habambuhay pagkakakulong sa pagdukot sa 78-anyos na babae

7 katao nasentensiyahan ng habambuhay pagkakakulong sa pagdukot sa 78-anyos na babae

2
0

MANILA, Philippines – Hinatulan ng Quezon City Regional Trial Court Branch 225 ang pitong katao dahil sa pagdukot sa isang 78-anyos na babae noong Setyembre 2025.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), napatunayang guilty ang pitong akusado bilang mga pangunahing salarin sa kidnapping for ransom. Sila ay sinentensiyahan ng reclusion perpetua o hanggang 40 taon na pagkakakulong, nang walang posibilidad ng parole.

Inutusan din silang magbayad ng civil indemnity, moral damages, at exemplary damages sa biktima.

Samantala, apat na iba pa ang napawalang-sala dahil hindi napatunayan nang lampas sa makatwirang pagdududa ang kanilang pagkakasala.

Ayon sa DOJ, dinukot ang biktima sa Biak na Bato Street, Quezon City noong Setyembre 2, 2025. Dinala siya sa Baywalk Suites sa Bacoor City at Laurel, Batangas habang hinihingan ng ransom ang kanyang pamilya.

Una umanong humingi ang mga kidnapper ng P500 milyon, ngunit napababa ito sa P8.1 milyon matapos ang negosasyon.

Nabayaran at naihatid ang ransom noong Setyembre 7, ngunit nanatiling bihag ang babae hanggang sa mailigtas siya noong Setyembre 11, 2025.

Sinabi ng DOJ na patuloy nitong ipaglalaban ang rule of law at paghahatid ng hustisya nang walang kinikilingan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here