Home NATIONWIDE P3.06B pondo sa evacuation centers, ‘di gagamitin sa eleksyon, campaign fund –...

P3.06B pondo sa evacuation centers, ‘di gagamitin sa eleksyon, campaign fund – Palasyo

1
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Malacañang na ang P3.06 bilyong pondo para sa pagtatayo ng evacuation centers sa ilalim ng 2027 National Expenditure Program (NEP) ay hindi gagamitin bilang election o campaign fund.

Nagbigay ng pahayag si Palace Press Officer Claire Castro matapos kuwestiyunin ni Senador Panfilo Lacson ang pare-parehong P180 milyon na alokasyon sa bawat rehiyon.

Ayon kay Castro, may mga mekanismo ang gobyerno para masigurong maayos na naipatutupad ang mga proyektong pinopondohan ng national government at maiwasan ang tinatawag na “ghost projects.”

“Sa pangamba na ito ay magagamit sa eleksyon, marami po tayong paraan para makita natin kung may mga proyektong napondohan pero hindi nagawa dahil iyan naman po ang gusto ng ating Pangulo.”

Sinabi rin niyang hindi papayag si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magkaroon ng mga ghost project sa kanyang administrasyon.

Ipinaliwanag ni Castro, batay sa Department of Budget and Management (DBM), na ang kawalan ng nakatalagang specific locations sa 2027 NEP ay hindi nangangahulugang walang proseso sa pagpili ng pagtatayuan ng evacuation centers.

Sa ilalim ng RA 12076 o Ligtas Pinoy Centers Act, ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kasama ang mga local government unit (LGU) at iba pang ahensya, ang inaatasang tukuyin at unahin ang mga lugar na nangangailangan ng evacuation centers.

Ang Department of Public Works and Highways (DPWH) naman ang implementing agency.

Isasaalang-alang sa pagpili ng lugar ang disaster risk, topography, availability ng lupa at pangangailangan ng komunidad.

Para sa 2027, nakalaan ang pondo para sa dalawang Ligtas Pinoy Center bawat rehiyon, na nagkakahalaga ng P90 milyon bawat isa. Kasama rito ang site development at mga adjustment depende sa kondisyon ng lugar.

Sinabi ni Castro na nagsimula na ang proseso ng pagtukoy sa mga site. Noong Agosto 10, hiniling ng DPWH sa Office of Civil Defense (OCD) ang prioritized list ng mga lugar upang matiyak na handa at tama ang mga proyektong ipatutupad.

“In short, the purpose, number, cost and implementing framework are already defined. The specific sites are being finalized to the legally mandated prioritization process,” ani Castro. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here