MANILA, Philippines – HINARANG ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pitong American national na dati nang nahatulan sa sex crimes sa US upang hindi sila makapasok ng bansa.
Ayon kay BI Officer-in-Charge Joel Anthony Viado, ang nasabing mga pasahero ay nasabat sa magkakahiwalay na petsa sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at Mactan airport nang dumating ang mga ito bilang mga turista.
Ito ay batay din sa Philippine immigration act na nagbabawal sa mga dayuhan nahatulan na ng krrimen kaugnay sa moral turpitude na makapasok ng bansa.
“They were all turned away and boarded on the next available flight to their port of origin. And as a consequence of their exclusion, they were included in our blacklist and banned from entering the Philippines,” ayon kay Viado.
Kinilala ang unang naaresto na si Dustin Patrick Auvil, 57, na galing sa San Francisco, USA na nahatulan dahil sa pang-aabuso sa isang apat na anyos na batang babae.
Sumunod si Daniel Russell Eoff, 34, na nahatulan ng second degree sexual assault laban sa isang 6–anyos na batang babae.
Kasama rin si Francisco Javier Alvarado, 39, who was convicted in 2017 of child pornography for possessing obscene material depicting a minor in sexual conduct.
Kabilang din sa hindi pinapasok si Michael Allen Turner, 41, daahil sa kasong sexual assault of a child in the second degree.
Hndi rin pinapasok s Matthew Thorin Wall, 46, dahil sa sexual penetration at sexual copulation sa isang 18 anyos na babae, si Todd Lawrence Burchett, 41, dahil sa gross sexual imposition kaugnay sa isang 13-anyos na batang babae at William Emil Wanket, 40, dahil sa pang-aabuso sa isang 2-anyos na batang babae. Jay Reyes