Home NATIONWIDE Teenage pregnancies kumonti sa balik in-person classes

Teenage pregnancies kumonti sa balik in-person classes

MANILA, Philippines — Nagkaroon ng malaking pagbaba sa bilang ng nabubuntis na teenager sa mga pampublikong paaralan, kasabay ng pagbabalik ng in-person classes, sinabi ng opisyal ng Department of Education (DepEd) nitong Huwebes.

Bumaba ng halos kalahati ang mga teenage pregnancies sa mga pampublikong paaralan sa paglipas ng mga taon, dahil sa maraming salik, kabilang ang pagsasama ng Comprehensive Sexuality Education (CSE) sa kurikulum, tantiya ni DepEd Assistant Secretary Dexter Galban.

“Based on our latest data, if I remember correctly, from 2021 to 2022, that was about 30,000 teenage pregnancy cases. The year preceeding that, mas mataas – about 37,000. But – when we were able to revert back to face to face classes and mas naging robust iyong ating implementation ng Comprehensive Sexuality Education, bumukas iyong mga teen centers natin, we were able to provide additional programs for adolescent reproductive health – we saw significant decrease to about 13,000 na lang na teenage pregnancy cases,” anang opisyal sa isang ulat.

“And then, of course, nakatulong iyong ating implementation ng Alternative Delivery Modes or iyong mga ADMs sa pagbaba ng drop outs due to teenage pregnancy. If I remember correctly, our figure is about 86 percent decrease. Because now, you don’t have to drop out when you get pregnant,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Galban na ang ultimate goal ng DepEd ay ang pagkalos ng teenage pregnancies sa tulong na rin ng community-driven programs.

“We want to emphasize na hindi po iyong teenage pregnancy iyong gusto naming gawing norm. Ang norm na gusto naming i-push is that you can continue learning regardless of your personal considerations and challenges,” dagdag pa niya.

“Kaya ang gusto natin talagang we reduce – if not totally – eliminate teenage pregnancy. So that they can focus on developing themselves first, magkaroon ng tamang edukasyon para magkaroon ng tamang trabaho, para makatulong sa bayan, and then, of course, eventually build a family at the right time. And ang challenge talaga dito is how do we penetrate and break through the noise… Kailangan talaga ng tutok hindi lamang ng eskwelahan, pero kasama rin ang mga magulang,” aniya pa. RNT