Home NATIONWIDE 7 Marikina employees sinuspinde ng Ombudsman sa solicitation allegation

7 Marikina employees sinuspinde ng Ombudsman sa solicitation allegation

MANILA, Philippines – Sinuspinde ni Ombudsman Samuel Martires ang pitong tauhan ng Marikina City Engineering Department bunsod ng umano’y paghingi ng suhol kapalit ng pag-isyu ng building permit.

Sa sampung pahinang kautusan, ipinataw ng Ombudsman ang anim na buwan na suspensyon laban kina Kenny Sueno, Romeo Gutierrez Jr., Marlito Poquiz, Alex Copreros, Mark de Joya, Abigail Joy Santiago aka Abby Salvador at Manuel Santos.

Nakitaan ng malakas na ebidendya para isailalim sa preventive suspension at masibak sa pwesto ang mga nabangit na tauhan ng Marikina City Engineering Department dahil sa posibleng kaso na Grave Misconduct at Conduct Prejudicial to the Best Interest of the Service.

Ayon sa Ombudsman, ang pananatili sa posisyon ng pitong personnel ay maaring makaapekto sa imbestigasyon. Kailangan isailalim sa preventive suspension upang mapanatili ang mga ebidensya laban sa kanila.

Nag- ugat ang kaso sa reklamo noong August 2021 ng akusahan sila ng mag-asawa na humingi sa kanila ng P430,000 para sa kanilang application sa building permit sa itinatayo nilang bahay.

Sinabi ng mag asawa na hindi natuloy ang konstruksyon dahil hindi nagbigay ng permit ang engineering office.

Lumabas sa ebidensya na mismong sina Sueno, Gutierrez, Poquiz, Copreros, de Joya, Santigao, at Santos ang nangako na bibilisan ang pagproseso ng building at occupancy permits kapalit ng salapi. Teresa Tavares