Home METRO 7 minasaker sa panaderya sa Antipolo!

7 minasaker sa panaderya sa Antipolo!

MANILA, Philippines (UPDATED)- Patay sa pananaksak ang pitong kalalakihan sa isang bakery sa Antipolo City nitong Martes ng umaga, ayon sa police report.

Sinabi ng Antipolo Police na naganap ang massacre sa Purok 1, Zone 8 ng Barangay Cupang bandang alas-6 ng umaga nitong Abril 22.

“[T]he victims were asleep inside the bakery. An unidentified suspect/s entered the premises and, without apparent motive, stabbed all five victims,” ayon sa mga awtoridad.

“The attack resulted in the immediate deaths of all the victims,” base pa sa ulat.

Tinukoy din ng mga pulis ang mga biktima na mga empleyado ng panaderya.

Isinailalim ang suspek sa kustodiya ng Antipolo Police and Rizal Police Provincial Office matapos sumuko, batay sa ulat.

Ayon sa suspek, may plano umano ang mga biktima na paslangin siya. RNT/SA