Home NATIONWIDE 7 nalambat, drug den winasak sa Baliuag

7 nalambat, drug den winasak sa Baliuag

125
0

BULACAN- Nalambat ng mga awtoridad ang pitong (7) drug suspek at tuluyang winasak ang isang makeshift drug den sa ikinasang buybust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong linggo ng gabi sa Barangay Poblacion, Baliwag.

Kinilala ng PDEA ang mga nadakip na suspek na sina alyas Annie, Mitch, Gelo, Ric, Kel at Nick, pawang mga nasa wastong gulang at residente sa naturang lugar.

Naaresto ang mga suspek na magkasabwat umanong nagbenta ng shabu sa PDEA undercover agent.

Narekober sa mga suspek ang nasa anim (6) gramo ng suspected shabu na may standard drug price na higit P40,000, drug paraphernalia at marked na ginamit sa buybust.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Law. ROEL TARAYAO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here