MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes, Marso 19, ang opisyal na pagreretiro ng pitong domestic tropical cyclone names mula sa 2025 roster.
Ang mga decommissioned na pangalan ay Crising, Emong, Mirasol, Nando, Opong, Tino, at Uwan, dahil sa “exceptional magnitude and extent of the devastation” na kanilang idinulot, ayon sa PAGASA.
Ayon sa opisyal na pamantayan, ang pangalan ng bagyo ay ni-reretire kung nagdulot ito ng hindi bababa sa 300 pagkamatay o pinsalang nagkakahalaga ng ₱1 bilyon o higit pa, batay sa ulat ng Office of Civil Defense.
Sa kabuuan, ang pitong bagyo sa 2025 ay nagdulot ng 373 na pagkamatay, 680 nasugatan, at 132 nawawala, na may kabuuang pinsala na lampas ₱36 bilyon.
Ang mga retired names ay papalitan simula 2029 ng Chico, Elias, Magyawan, Nilad, Omar, Tala, at Upang. RNT/MND