MANILA, Philippines – Ang pitong pulis na itinuturing na mga person of interest sa pamamaril kay Kerwin Espinosa, isang kandidato sa pagka-alkalde ng Albuera, ay nagnegatibo sa paraffin test, ayon sa Philippine National Police (PNP).
Ayon kay Police Colonel Randulf Tuaño, hindi konklusibo ang resulta ng paraffin test at maaaring maapektuhan ng mga pamamaraan tulad ng paggamit ng guwantes o kemikal.
Nanatili pa ring under investigation at restricted custody ang mga pulis, at haharap pa rin sila sa kasong illegal possession of firearms matapos silang mahulihan ng 10 baril, 9 dito ay walang rehistro.
Si Espinosa ay nabaril habang nasa isang kampanyang event sa Barangay Tabgas, at nasugatan din ang mga kandidato sa vice mayor at isang menor de edad. Santi Celario