MANILA, Philippines – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga iniulat na nasawi sa Bicol region dahil sa pananalasa ng Severe Tropical Storm Kristine, ayon sa Police Regional Office 5 (PRO-5) nitong Huwebes, Oktubre 24.
Batay sa datos ng PRO-5, dalawa katao ang nawawala ang pito iba pa ang nasugatan.
Samantala, ang mga iniulat na nasawi ay biniberipika pa.
Nasa kabuuang 119,488 katao o 23,517 ang tumutuloy sa mga evacuation center sa rehiyon.
Iniulat din ang pagbaha sa 722 barangay sa rehiyon, karamihan dito ay nasa Camarines Sur sa 562, sinundan ng Albay sa 74.
Nagkaroon din ng landslides sa 19 lugar kabilang ang 10 sa Albay, apat sa Sorsogon, tatlo sa Camarines Sur, at dalawa sa Camarines Norte.
Istranded ang 3,257 pasahero sa mga pantalan dahil sa nakanselang 26 biyahe ng barko sa Bicol.
Sa huling ulat ng PAGASA, ang bagyong Kristine ay huling namataan sa bisinidad ng Tumauini, Isabela taglay ang lakas ng hangin na aabot sa 95 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 160 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong west northwestward sa bilis na 15 kilometro kada oras. RNT/JGC