Home HOME BANNER STORY 7 patay sa Davao de Oro landslide

7 patay sa Davao de Oro landslide

MANILA, Philippines – Umakyat na sa pito ang bilang ng mga nasawi sa landslide sa Maco, Davao de Oro.

Ayon sa lokal na pamahalaan, narekober ang ikapitong bangkay mula sa ground zero bandang 4:30 ng hapon nitong Miyerkules, Pebrero 7.

Ito ay matapos na marekober ang unang anim na bangkay alas-2 ng hapon.

Sa ulat, 31 katao ang nasaktan sa insidente.

Nagpapatuloy naman ang search and rescue operations para sa iniulat na 48 indibidwal na nawawala.

Samantala, nasa 800 pamilya sa kalapit na mga barangay ang inilikas para sa kanilang kaligtasan.

Ang landslide ay nangyari Martes ng gabi, sa Zone 1, Barangay Masara, Maco, Davao de Oro.

Kabilang sa mga nalibing ang dalawang bus at mga empleyado ng Apex Mining Corporation. RNT/JGC