Home NATIONWIDE Davao Region, Caraga, Southern Leyte uulanin sa easterlies

Davao Region, Caraga, Southern Leyte uulanin sa easterlies

MANILA, Philippines – Inaasahang uulanin pa rin ang silangang bahagi ng bansa dahil sa easterlies.

Ayon sa PAGASA, ang Davao Region, Caraga, at Southern Leyte ay magkakaroon ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorm dahil sa easterlies.

Ang Batanes at Babuyan Islands ay magkakaroon naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains dahil sa northeast monsoon o amihan.

Samantala, ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated light rains o thunderstorm dahil sa easterlies at localized thunderstorm. RNT/JGC

Previous articleKampo nina Bea at Dom, may patama!
Next article7 patay sa Davao de Oro landslide