Home ENTERTAINMENT Kampo nina Bea at Dom, may patama!

Kampo nina Bea at Dom, may patama!

Manila, Philippines- At the rate things are going sa pagitan ng mga kampo nina Bea Alonzo at Dominic Roque ay malabo nang magkabalikan ang magnobyo.

Ni-reconfirm nitong February 6 ni Boy Abunda ang balitang break na sina Bea at Dom.

Walang dahilan ng breakup ang ibinigay.

Nitong February 6 din ay may cryptic post ang road manager ni Bea na si Nina Ferrer.

Ang post nitong “manipulative sad boi” ay hinihinalang patungkol kay Dominique.

Ang nasabing paglalarawan ay base sa mga solo photos ni Dom na ipinost sa social media.

Noong araw ding ‘yon ay mahihinuhang may sagot din ang kapatid ni Dom na si Lhean.

Ito’y sa pamamagitan ng isang larawang may kalakip na caption na: “wolf in sheep’s clothing.”

Makikita sa picture na nakapatong ang tupa sa lobo.

Ginagamit ang idiomatic expression na ito patungkol sa isang taong mala-maamong tupa sa panlabas na kaanyuan pero mabangis sa totoong buhay o nagbabalatkayo lang.

Dinenay naman ng kapatid ni Dom na si Bea ang pinatutungkulan ng kanyang post.

Dahil nadadamay na ang ibang tao sa usapin, sa palagay n’yo kaya ay may pag-asa pang magkaayos ang magnobyo at matuloy ang kanilang pagpapakasal ngayong taon? Ronnie Carrasco III

Previous articleBea, may nadiskubre kay Dom!
Next articleDavao Region, Caraga, Southern Leyte uulanin sa easterlies