Home NATIONWIDE 7 pulis-Maynila arestado sa extortion

7 pulis-Maynila arestado sa extortion

MANILA, Philippines – Arestado ang pitong opisyal mula sa Manila Police District (MPD) dahil sa umano’y gawa-gawang kaso ng droga laban sa isang 49 anyos na lalaki at pangingikil ng P50,000 sa kanyang asawa.

Nag-ugat ang pag-aresto sa isang reklamong inihain ng umano’y suspek na huamntong sa mga awtoridad na hulihin ang mga opisyal sa Police Station 5 sa Ermita, Maynila nitong Lunes ng gabi, ayon sa National Capital region POlice Office (NCRPO) sa isang pahayag.

Kabilang sa mga naaresto ang isang lieutenant, tatlong staff sergenats at tatlong patrolman.

Naaresto ang complainant noong Hunyo 20 sa umanoy gawa-gawang drug charges.

Ayon pa sa NCRPO, bagamat P20,000 lamang ang naibayad sa pamamagitan ng mobile transfer , pinakawalan ang complainant ng walang kaso.

Nang malaman ng mga opisyal na isang pormal na reklamo ang isinampa, ibinalik nila ang pera para pigilan ang legal na askyon.

Narekober sa operasyon ang pitong mobile phone na ginamit sa umano’y pangingikil, limang opisyal na police identification card, at mga screenshot ng digital transactions at pag-uusap. Jocelyn Tabangcura-Domenden