Home HOME BANNER STORY 7 sa 10 Pinoy, pabor sa impeachment trial vs VP Sara –...

7 sa 10 Pinoy, pabor sa impeachment trial vs VP Sara – sarbey

22
0

MANILA, Philippines – Ayon sa OCTA Research survey, humigit-kumulang 7 sa bawat 10 Pilipino (69%) ang sumusuporta na isailalim sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte sa Senado upang mapag-usapan ang mga paratang laban sa kanya.

Batay sa survey na isinagawa noong Marso 19–25, 2026, 28% naman ang hindi sumusuporta, habang 3% ang walang desisyon o undecided.

Ipinapakita ng resulta na may malakas na suporta ng publiko para sa pagsasagawa ng pormal na paglilitis sa Senado kaugnay ng mga alegasyon laban sa Bise Presidente, kabilang ang umano’y pag-abuso sa pondo at iba pang isyung kinahaharap niya.

Ang impeachment case ay bahagi ng mas malawak na usaping pampulitika sa bansa matapos aprubahan ng House of Representatives ang articles of impeachment na ipinasa sa Senado para sa trial.

Patuloy pa ring hinihintay ang susunod na hakbang ng Senado bilang impeachment court habang umiinit ang usaping pulitikal sa pagitan ng mga kampo sa gobyerno. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here