MANILA, Philippines – Hindi bababa sa pitong indibidwal ang nasugatan matapos mag-malfunction ang isang escalator sa Fernando Poe Jr. (FPJ) Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Quezon City nitong Biyernes, ayon sa Department of Transportation (DOTr).
Sa isang pahayag, sinabi ng ahensya na ang isa sa mga nasugatan ay dinala sa malapit na ospital para sa isang assessment at dinischarge din agad, habang ang anim na iba pa ay nakatanggap ng pangunang lunas sa istasyon.
“Passengers should be confident that their trips will be safe when they ride the train. I’ve ordered the LRMC [Light Rail Manila Corporation] to give immediate assistance to the injured passengers,” saad ni DOTr Secretary Vince Dizon.
Ang nasirang escalator ay ini-ayos at nilinis para magamit ng publiko, sabi ng DOTr.
“The DOTr assures the public that it will continue working closely with LRMC to prevent similar incidents from happening in the future,” dagdag pa nito. RNT/MND