Home METRO 7 timbog sa P1.9M droga sa Bulacan

7 timbog sa P1.9M droga sa Bulacan

MANILA, Philippines- Nasabat ng Bulacan Police ang kabuuang P1,904,000 halaga ng ilegal na droga mula sa pitong naaresting indibidwal sa pagsasagawa ng Christmas buy-bust operation ng San Jose Del Monte (CSJDM) Police Station noong Dec. 24 at 25.

Ayon sa mga pulis, may kabuuang apat na sachet ng hinihinalang shabu na may estimated Standard Drug Price na P1,870,000 kasama ang buy-bust money ang nakumpiska sa operasyon sa Brgy. Graceville bandang alas-3 ng hapon noong Dec. 24 mula sa tatlong suspek.

Samantala, nagsagawa ng magkahiwalay na buy-bust operations ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Plaridel at Calumpit Police kung saan apat na drug suspects ang naaresto.

Nakumpiska na operasyon ang kabuuang pitong plastic sachets ng hinihinalang shabu na may standard drug price of P34,000 at ang buy-bust money.

Dinala ang mga nahuling suspek at nakumpiskang ebidensya sa Bulacan Provincial Forensic Unit (PFU) para sa pagsusuri. Ikinakasa na ang reklamong paglabag sa R.A. 9165 laban sa mga suspek.

Samantala, sa hiwalay na manhunt operation na isinagawa ng tracker teams mula CSJDM, dalawang wanted na indibidwal ang nalambat. RNT/SA