CAMP OLIVAS, PAMPANGA- Nahulog din sa kamay ng mga awtoridad sa kanilang manhunt operation ang pitong (7) indibidwal na sangkot sa mga kaso ng krimen at pawang kabilang sa mga Regional, Provincial at Municipal Most Wanted Person sa Gitnang Luzon.
Batay sa ulat kay Region 3 Police Director Brigadier General Jess Mendez, naaresto ang mga suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa manhunt operation ng pulisya sa lalawigan ng Aurora, Bulacan, Nueva Ecija at Zambales.
Kabilang sa mga naarestong suspek ay Regional, Provincial at Municipal Most Wanted Person na pawang akusado sa iba’t-ibang kaso ng krimen gaya nang Murder, Rape, Sexual Assault na may kinalaman sa child abused Law at illegal drugs.
Natunton umano ng mga awtoridad ang mga pinagtaguan ng mga ito Hanggang sa makorner ang mga suspek.
Nasa kustodiya na nang pulisya ang mga naarestong suspek para sa dokumentasyon at tamang disposisyon. ROEL TARAYAO