MANILA, Philippines- Bagama’t hirap nang makalakad, desidido pa ring tumakbo bilang senador ang isang 70-anyos na miyembro ng Night of Columbus.
Alas-8 ng umaga nang simulan ang ikalawang araw ng paghahain ng Certificate of Candidacy (COC) sa The Manila Hotel Tent City at si Victoriano Inte na independent ang kauna-unahang naghain ng kanyang kandidatura ngayong Oktubre 2, araw ng Miyerkules.
Si Inte ay apat hanggang limang beses nang sumasabak sa politika ngunit lagi siyang nadidiskwalipika ng Commission on Elections (Comelec).
Sinabi ni Inte na ang kanyang layunin sa pagtakbo bilang senador ay dahil umano sa magandang ginagawa ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. lalo na sa pagbibigay ng pansin sa mga magsasaka.
Tuloy pa rin aniya ang pagtakbo kahit ilang beses na siyang natatalo dahil gusto niyang tulungan ang mga kapwa nito Pilipino. Jocelyn Tabangcura-Domenden