Home HOME BANNER STORY 70% barado: Drainage system ng Metro Manila luma na – DPWH

70% barado: Drainage system ng Metro Manila luma na – DPWH

239
0
(Val Leonardo)

MANILA, Philippines – Aminado ang Department of Public Works and Highways na luma na ang drainage system ng Metro Manila at 70% barado, dahilan kung bakit hindi ito sapat para makontrol ang pagbaha, ayon kay Secretary Manuel Bonoan nitong Martes.

Aniya, gumagana ang pumping stations, pero hindi makadaloy ang baha dahil barado ang drainage.

Kasama ang World Bank, gumagawa ang DPWH ng bagong master plan para sa drainage system habang nire-rehabilitate ang pumping stations, nililinis ang mga baradong inlets, at isinusulong ang Pasig-Marikina floodway program para bawasan ang baha mula Sierra Madre.

Titingnan din ng DPWH ang pahayag ng MMDA na sanhi ng baha ang MRT-7 construction at gagawa ng teknikal na rekomendasyon.

“Kailangan natin itong gawin agad dahil umpisa pa lang ng tag-ulan, marami nang problema,” babala ni Bonoan. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here