MANILA, Philippines – Naglabas ang PAGASA ng red rainfall warning alas-8 ng umaga, Hulyo 22, para sa Metro Manila, Bataan, at ilang bayan ng Cavite tulad ng Bacoor, Dasmariñas, Kawit, Noveleta, Imus, Cavite City, General Trias, at Rosario. Inaasahan ang matinding pagbaha sa mga mababang lugar.
Orange warning naman sa Rizal, Laguna, Batangas, Zambales, Pampanga, Bulacan, at iba pang bahagi ng Cavite gaya ng Tagaytay, Silang, Naic, Tanza. Ang mga nasabing lugar ay makararanas ng delikadong pagbaha.
Yellow warning para sa Nueva Ecija, Tarlac, at Quezon kung saan makararanas ng pagbaha sa mga bahaing lugar.
Pinapayuhan ang publiko at mga Disaster Risk Reduction Management offices na bantayan ang susunod na abiso habang patuloy ang ulan mula sa Habagat. Dalawang LPA sa loob ng PAR ang mino-monitor, isa rito may mataas na tsansang maging bagyo sa loob ng 24 oras. Santi Celario