MANILA, Philippines – Dahil sa matinding pagbaha sa ilang bahagi ng Metro Manila, bunsod ng tuloy-tuloy na pag-ulan, maraming pasahero ang na-stranded.
Kaya naman ang Department of Transportation (DOTr), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine Ports Authority (PPA) ay tulong-tulong upang magbigay ng libreng sakay sa mga komyuter.
Narito ang ruta ng libreng sakay nitong Hulyo 22 sa piling ruta dahil sa masamang panahon.
Oras ng Libreng Sakay:
• 7:00 AM – 10:00 AM
• 5:00 PM – 8:00 PM
Mga Ruta:
Quiapo – Fairview
Quiapo – España – UST – Welcome Rotonda – Quezon Avenue – UP Diliman – Katipunan – Commonwealth – Litex – Ever Gotesco – Batasan – SM Fairview – Lagro