MANILA, Philippines – Isiniwalat ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito na humigit-kumulang 70% ng buwis na nakokolekta sa ilalim ng BIR letters of authority (LOA) ay napupunta sa katiwalian, at 30% lamang ang pumapasok sa gobyerno.
Aniya, sangkot dito ang mga BIR revenue officer at regional director, at matagal na itong problema na nakaapekto sa lokal at dayuhang negosyo.
Ang inaasahang koleksyon na P6–8 bilyon ay umabot lamang sa P2–3 bilyon dahil sa kickbacks.








