Home NATIONWIDE 7,000 katao inilikas sa Bagyong Nika

7,000 katao inilikas sa Bagyong Nika

SAN GUILLERMO, Isabela – Halos umabot sa mahigit dalawang libong mga pamilya o katumbas na 7,000 katao ang inilikas sa Lalawigan ng Isabela, Cagayan, Nueva Vizcaya at Quirino sa Bagyong Nika.

Ayon kay Mia Carbonel ang tagapagsalita ng OCD Region 2, sa kanilang datos, may mga pre-emptive at forced evacuated families mula Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Sa kabuuan ay nakapagtala sila ng higit dalawang libong mga evacuated families o 7,000 katao mula sa mga flash flood and land slide prone areas.

Ayon kay Regional Director Lucia Alan ng DSWD Region 2 sinabi niya na nasa 528 pamilya o 1,641 na indibidwal ang inilikas sa Isabela, 25 pamilya o 79 indibidwal mula sa apat na barangay ng Cagayan at 125 o 387 katao ang inilikas sa Quirino.

Aniya mula kahapon ay nasa 635 pamilya o 1,948 na indibidwal ang nananatili sa mga evacuation center sa rehiyon habang ang iba ay nakituloy muna sa kanilang mga kapitbahay o kamag-anak.

Tiniyak naman niya na nakaprepositioned na ang mga family food packs at nonfood items sa mga LGUs kaya may maipapamahagi sa mga apektadong residente.

Sa ngayon ay kasalukuyan ang deployment ng pamunuan ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO para tumulong sa clearing operation para sa mga natumbang poste at punong kahoy.

Posibleng magtatagal ng ilang araw na walang supply ng kuryente ang lalawigan ng Isabela dahil sa kasalukuyan ang pagkukumpuni ng electric cooperative sa lalawigan.

Habang ang mga pangunahin lansangan papasok at palabas ng rehiyon dos ay passable o pwede ng daanan dahil sa agarang clearing operations sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang ahensya ng pamahalaan. Rey Velasco