Bulacan – Ninakawan na, pinatay pa ang isang negosyanteng lalaking senior citizen sa loob ng kanyang water refilling station sa bayan ng Paombong.
Kinilala ng pulisya ang kalunos-lunos na biktima na si Antonio Centeno, 71, businessman, residente ng Brgy. San Vicente.
Sa report ng pulisya, naganap ang insidente bandang 2:30 ng hapon nitong September 29, sa Brgy. Sto. NiƱo.
Ayon sa report, tumambad sa mga awtoridad ang nakabulagtang biktima sa magulong kagamitan sa kanyang water refilling station at nawawala na rin ang hindi mabatid na halaga ng perang pinagbentahan ng tubig.
Dahil dito, agad dinala ang biktima sa pinakamalapit na ospital para sa paunang lunas subalit patay na ito.
Sinasabing hindi na rin makita ang 35 anyos na lalaking helper ng biktima na ngayon ay itinuturing na Person of Interest ng mga awtoridad
Patuloy ang follow up investigation ng pulisya sa naturang krimen. Dick Mirasol III