Home ENTERTAINMENT Nadine, dedma na kay James at Issa!

Nadine, dedma na kay James at Issa!

Manila, Philippines- In-unfollow pala ni Nadine Lustre sa Instagram ang ex-boyfriend na si James Reid pati ang bagong karelasyon ngayon ng singer-actor na si Issa Pressman.

Tanong tuloy ng netizens: May kinalaman kaya ang pag-unfollow ni Nadine sa naging panayam ni James sa YouTube channel ni Ogie Diaz?

Dito kasi ay diretsahang inamin ni James na hindi na siya tatanggap ng proyekto kasama ang ex-girlfriend at dating ka-loveteam na si Nadine.

Ito’y bilang respeto na rin daw niya sa girlfriend na si Issa.

Ibinahagi ni James ang plano niyang pagbabalik sa pag-arte makaraan niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang singing career.

Kaakibat ng kanyang pagbabalik sa pag-arte ay ang kaliwa’t kanang tanong kung may tsansa ring magbalik ang tambalan nila ng dating nobya na si Nadine.

Ayon kay James, hanggang ngayon ay ramdam na ramdam niya ang suporta at pagmamahal ng fans nila ni Nadine.

Ngunit sa kasalukuyan niyang estado ay hindi na raw niya nakikita ang pagkakaroon nila ng reunion project ng dating kasintahan.

Ang naging pahayag nga kaya na ito ni James ang dahilan kung bakit in-unfollow na siya ni Nadine sa Instagram?

Si Nadine lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan.

Wait na ang natin ang magiging pahayg niya hinggil dito. Rommel Placente