MANILA, Philippines – Hiniling ni Senador Risa Hontiveros sa Department of Foreign Affairs (DFA) at at Department of Migrant Workers (DMW) sa pagpapabalik ng maraming Filipino na kasalukuyang nagtatrabaho sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Lebanon.
“I call on the DFA and DMW to repatriate as many of our kababayans in Lebanon as soon as possible. Dapat may mga nakalatag nang contingency plans ang ating mga ahensya sakaling lumalala ang sitwasyon,” ayon kay Hontiveros sa statement.
“I trust that our government agencies are exhausting all options to ensure the security, safety, and welfare of our OFWs (overseas Filipino workers). They should already be mobilizing and pre-positioning resources in anticipation of heightened tensions,” dagdag niya.
Hinikayat din ng senador ang OFWs na makipag-koordinasyon sa embahada sa lalong madaling panahon saka tiniyak na may naghihintay na ayudang pangkabuhayan sa kanila pagdating ng Pilipinas.
“Sa ngayon, ang mahalaga ay ang ligtas na pag-uwi ng mga Pilipino. Conflict may soon escalate. We should do all we can to remove our citizens from harm’s way,” aniya.
Ayon sa DMW, aabot sa 15 OFWs ang nakatakdang dumating sa bansa galing Lebanon.
Base sa report, nagkakaroon ng sunod-sunod na pagsabog sa katimugan ng Beirut sanhi ng pagtarget ng Israel military strike sa himpilan ng Hezbollah nitong gabi ng Setyembre 27, 2024.
Hnimok ng embahada ang lahat ng apektadong Filipino sa Lebanon na manatiling nakabantay at iwasan ang pagtungo sa katimugan ng Beirut at iba pang lugar na target ng sigalot. Ernie Reyes